Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 46

Mga Awit 46:2-9

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
2Kaya nga, hindi kami matatakot, kahit na ang lupa ay mabago, kahit na ang mga kabundukan ay mayanig papunta sa puso ng karagatan,
3kahit na ang mga tubig nito ay umugong at mangalit, at kahit ang mga kabundukan ay mayanig sa pagragasa ng tubig. Selah
4Doon ay may isang ilog, na ang agos ay pinasasaya ang lungsod ng Diyos, ang banal na lugar ng mga tabernakulo ng Kataas-taasan.
5Ang Diyos ay nasa gitna niya; siya ay hindi matitinag; tutulungan siya ng Diyos, at gagawin niya ito sa pagbubukang-liwayway.
6Ang mga bansa ay napoot at ang mga kaharian ay nayanig; ang tinig niya ay kaniyang itinaas, at ang lupa ay naagnas.
7Si Yahweh, ang Diyos ng mga hukbo ay kasama natin; ang Diyos ni Jacob na kublihan natin. Selah
8Lumapit kayo, masdan ang mga ginawa ni Yahweh, ang pagkawasak na kaniyang idinulot sa mundo.
9Pinahihinto niya ang mga digmaan sa dulo ng mundo; binali niya ang mga pana at ang mga sibat ay pinagpira-piraso; ang mga panangga ay kaniyang sinunog.

Read Mga Awit 46Mga Awit 46
Compare Mga Awit 46:2-9Mga Awit 46:2-9