Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Joshua - Joshua 14

Joshua 14:9-15

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
9Sumumpa si Moises sa araw na iyon na sinasabing, 'Tiyak na ang lupang nilakaran mo ay magiging isang pamana para sa iyo at para sa iyong mga anak magpakailanman, dahil lubos kang sumunod kay Yahweh na aking Diyos.'
10Ngayon, tingnan mo! Pinanatili akong buhay ni Yahweh nitong apatnapu't limang taon, gaya ng kaniyang sinabi—mula sa panahon nang sinabi ni Yahweh ang salitang ito kay Moises, habang naglalakad ang Israel sa ilang. Ngayon, tingnan mo! Walumpu't limang taong gulang na ako.
11Malakas pa rin ako ngayon gaya noong araw na isinugo ako ni Moises. Ang lakas ko ngayon ay katulad ng lakas ko noon, para sa digmaan at para sa pag-alis at sa pagdating.
12Kaya ngayon ibigay mo sa akin ang maburol na bansang ito, na ipinangako sa akin ni Yahweh ng araw na iyon. Dahil narinig mo sa araw na iyon ang Anakim ay mayroong malalaking pinagtibay na mga lungsod. Maaaring si Yahweh ay magiging kasama ko at paalisin ko sila, gaya nang sinabi ni Yahweh.”
13Pagkatapos pinagpala siya ni Josue at ibinigay ang Hebron bilang isang pamana kay Caleb na lalaking anak ni Jepunne.
14Kaya naging pamana ang Hebron kay Caleb na lalaking anak ni Jepunne na Cenezeo hanggang sa araw na ito, dahil lubos siyang sumunod kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
15Ngayon, Kiriat Arba ang dating pangalan ng Hebron. (Si Arba ang pinakadakilang lalaki sa mga Anakim). Pagkatapos nagkaroon ng kapahingahan ang lupain mula sa digmaan.

Read Joshua 14Joshua 14
Compare Joshua 14:9-15Joshua 14:9-15