Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 24

Mga Bilang 24:16-25

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
16Ito ay isang propesiya ng isang taong nakaririnig ng mga salita mula sa Diyos, na may kaalaman mula sa Kataas-taasan, na may mga pangitain mula sa Makapangyarihan sa lahat, Sa harapan niya na siyang nagpatirapang mulat ang kaniyang mga mata.
17Nakita ko siya, ngunit siya ay wala ngayon dito. Tiningnan ko siya, ngunit hindi siya malapit. Isang tala ang lalabas mula kay Jacob, at lilitaw ang isang setro mula sa Israel. Dudurugin niya ang mga pinuno ng Moab at lilipulin lahat ng mga kaapu-apuhan ni Set.
18At ang Edom ay magiging pag-aari ng Israel, at ang Seir ay magiging pag-aari rin nila, ang mga kaaway ng Israel, na masasakop ng Israel sa pamamagitan ng dahas.
19Mula kay Jacob darating ang isang hari na mayroong kapangyarihan, at kaniyang lilipulin ang mga nakaligtas sa kanilang lungsod.”
20At tiningnan ni Balaam si Amalek at sinimulan ang kaniyang propesiya. Sinabi niya, “Si Amalek ay minsang naging pinakadakila sa mga bansa, ngunit pagkawasak ang kaniyang magiging huling hantungan.”
21At tumingin si Balaam sa mga Cineo at sinimulan niya ang kaniyang propesiya. Sinabi niya, “Ang lugar kung saan kayo nakatira ay matibay, at ang inyong mga pugad ay nasa loob ng mga bato.
22Gayon pa man, si Kain ay mawawasak kapag binihag kayo ng Asiria.”
23Pagkatapos, sinimulan ni Balaam ang kaniyang pangwakas na propesiya. Sinabi niya, “Aba! Sino ang makakaligtas kapag ginawa ito ng Diyos?
24Darating ang mga barko mula sa baybayin ng Kitim; Sasalakayin nila ang Asiria at sasakupin ang Eber, ngunit sila rin ay hahantong sa pagkawasak sa katapusan.”
25Pagkatapos tumayo si Balaam at umalis. Bumalik siya sa kanyang tahanan at umalis din si Balak.

Read Mga Bilang 24Mga Bilang 24
Compare Mga Bilang 24:16-25Mga Bilang 24:16-25