Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 59

Mga Awit 59:2-13

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
2Panatilihin mo akong ligtas mula sa mga gumagawa ng malaking kasalanan, at iligtas mo ako mula sa mga taong uhaw sa dugo.
3Dahil, tingnan mo, nag-aabang sila para kunin ang buhay ko. Ang mga makapangyarihang gumagawa ng kasamaan ay nagsasama-sama laban sa akin, pero hindi dahil sa aking pagsuway o kasalanan, Yahweh.
4Naghahanda silang tumakbo tungo sa akin kahit na wala akong kasalanan; gumising ka at tulungan mo ako at tingnan.
5Ikaw, Yahweh ang Diyos ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, bumangon ka at parusahan mo ang lahat ng mga bansa; huwag kang maging maawain sa sinumang gumagawa ng masasama. Selah
6Bumabalik sila sa gabi, umalulong sila na parang mga aso at lumilibot sa lungsod.
7Tingnan mo, dumidighay sila sa kanilang mga bibig; mga espada ay nasa kanilang mga labi, dahil sinasabi nila, “Sino ang nakaririnig sa atin?”
8Pero ikaw, Yahweh, ay tinatawanan sila; kinukutya mo ang mga bansa.
9O Diyos, aking kalakasan, magbibigay pansin ako sa iyo; ikaw ang aking matayog na tore.
10Katatagpuin ako ng Diyos sa kaniyang katapatan sa tipan; hahayaan ng Diyos na makita ko ang aking nais sa aking mga kaaway.
11Huwag mo silang papatayin, o makakalimutan ito ng aking bayan. Ikalat mo sila gamit ang iyong kapangyarihan at ilaglag sila, Panginoon na aming kalasag.
12Dahil sa mga kasalanan ng kanilang mga bibig at sa mga salita ng kanilang mga labi, hayaan mo silang madakip ng kanilang kayabangan, at para sa mga sumpa at kasinungalingan na ipinapahayag nila.
13Tupukin mo sila sa poot, tupukin mo sila para sila ay mawala na; hayaan mo silang malaman na namumuno ang Diyos kay Jacob at sa dulo ng mundo. Selah

Read Mga Awit 59Mga Awit 59
Compare Mga Awit 59:2-13Mga Awit 59:2-13