1Ang Diyos ang ating kublihan at kalakasan, ang handang tumulong kapag may kaguluhan.
2Kaya nga, hindi kami matatakot, kahit na ang lupa ay mabago, kahit na ang mga kabundukan ay mayanig papunta sa puso ng karagatan,
3kahit na ang mga tubig nito ay umugong at mangalit, at kahit ang mga kabundukan ay mayanig sa pagragasa ng tubig. Selah
4Doon ay may isang ilog, na ang agos ay pinasasaya ang lungsod ng Diyos, ang banal na lugar ng mga tabernakulo ng Kataas-taasan.
5Ang Diyos ay nasa gitna niya; siya ay hindi matitinag; tutulungan siya ng Diyos, at gagawin niya ito sa pagbubukang-liwayway.