13Malugod ka, Yahweh, na ako ay iyong sagipin; magmadali kang tulungan ako, Yahweh.
14Hayaan mo silang mapahiya at ganap na mabigo, silang mga naghahangad na kunin ang aking buhay. hayaan mo silang tumalikod at madala sa kahihiyan, silang mga nagagalak na saktan ako.
15Hayaan mo silang masindak dahil sa kanilang kahihiyan, silang mga nagsasabi sa akin ng, “Aha, aha!”
16Pero magalak nawa silang mga naghahanap sa iyo at sa iyo ay maging masaya; hayaan mong ang lahat ng nagmamahal sa iyong pagliligtas ang patuloy na magsabi, “Nawa si Yahweh ay mapapurihan.”
17Ako ay mahirap at nangangailangan; pero iniisip pa rin ako ng Panginoon. Ikaw ang aking katuwang at dumating ka para sagipin ako; huwag kang magtagal aking Diyos.