Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 39

Mga Awit 39:6-12

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
6Tunay nga na ang bawat tao ay lumalakad tulad ng isang anino. Tunay nga na ang lahat ng tao ay nagmamadali sa pag-iipon ng kayamanan kahit na hindi nila alam kung kanino mapupunta ito.
7Ngayon, Panginoon, para saan ang aking paghihintay? Ikaw lamang ang aking pag-asa.
8Ako ay bigyan mo ng katagumpayan sa lahat ng aking mga kasalanan: huwag mo akong gawing paksa ng pangungutya ng mga mangmang.
9Nananahimik ako at hindi binubuksan ang aking bibig dahil sa iyong ginawa.
10Itigil mo na ang pagpapahirap sa akin; nalulula ako sa pamamagitan ng hampas ng inyong kamay.
11Kapag itinutuwid mo ang mga tao dahil sa kasalanan, dahan-dahan mong inuubos ang kanilang lakas tulad ng isang gamu-gamo; tunay na balewala ang lahat ng tao tulad ng singaw. Selah
12Pakinggan mo ang aking dalangin, Yahweh, makinig ka sa akin, makinig ka sa aking pag-iyak! Huwag kang maging bingi sa akin, dahil tulad ako ng isang dayuhang kasama ninyo, isang nangibang-bayan tulad ng lahat ng aking mga ninuno.

Read Mga Awit 39Mga Awit 39
Compare Mga Awit 39:6-12Mga Awit 39:6-12