Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 39

Mga Awit 39:4-11

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
4Yahweh, ipaalam mo sa akin kung kailan ang katapusan ng aking buhay at ang kahabaan ng aking mga araw. Ipakita mo sa akin kung paano ako lilipas.
5Tingnan mo, ginawa mo lamang kasing lapad ng aking kamay ang aking mga araw, at ang haba ng aking buhay ay balewala para sa iyo. Tunay na ang bawat tao ay parang isang hininga. Selah
6Tunay nga na ang bawat tao ay lumalakad tulad ng isang anino. Tunay nga na ang lahat ng tao ay nagmamadali sa pag-iipon ng kayamanan kahit na hindi nila alam kung kanino mapupunta ito.
7Ngayon, Panginoon, para saan ang aking paghihintay? Ikaw lamang ang aking pag-asa.
8Ako ay bigyan mo ng katagumpayan sa lahat ng aking mga kasalanan: huwag mo akong gawing paksa ng pangungutya ng mga mangmang.
9Nananahimik ako at hindi binubuksan ang aking bibig dahil sa iyong ginawa.
10Itigil mo na ang pagpapahirap sa akin; nalulula ako sa pamamagitan ng hampas ng inyong kamay.
11Kapag itinutuwid mo ang mga tao dahil sa kasalanan, dahan-dahan mong inuubos ang kanilang lakas tulad ng isang gamu-gamo; tunay na balewala ang lahat ng tao tulad ng singaw. Selah

Read Mga Awit 39Mga Awit 39
Compare Mga Awit 39:4-11Mga Awit 39:4-11