Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 34

Mga Awit 34:4-20

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
4Hinanap ko si Yahweh, at tumugon siya, at sa lahat ng mga takot ko tagumpay ang ibinigay niya.
5Nagniningning ang mga tumitingin sa kaniya, at ang kanilang mga mukha ay hindi nahihiya.
6Ang inapi ay umiyak, at narinig siya ni Yahweh at niligtas mula sa lahat ng kaniyang mga kaguluhan.
7Ang anghel ni Yahweh ay nagkakampo sa paligid ng may mga takot sa kaniya, at sila ay nililigtas niya.
8Tikman at masdan na si Yahweh ay mabuti; mapalad ang taong kumukubli sa kaniya.
9Katakutan ninyo si Yahweh, kayo na kaniyang banal na bayan; hindi nagkukulang ang mga may takot sa kaniya.
10Ang batang leon minsan ay nagkukulang sa pagkain at nagugutom; pero ang mga humahanap kay Yahweh ay hindi magkukukulang ng anumang bagay na mabuti.
11Halikayo, mga bata, makinig kayo sa akin; ituturo ko sa inyo ang takot kay Yahweh.
12Sinong naghahangad ng buhay at naghahangad ng mahabang panahon na mabuhay at magkaroon ng magandang buhay?
13Kung ganoon, lumayo kayo sa pagsasabi ng masama, at ilayo ang inyong mga labi sa pagsasabi ng mga kasinungalingan.
14Tumalikod kayo sa kasamaan at gumawa ng mabuti; hangarin ninyo ang kapayapaan at ito ay palaganapin.
15Ang mga mata ni Yahweh ay nasa mga matutuwid, at sa kanilang mga iyak nakatuon ang kaniyang pandinig.
16Si Yahweh ay laban sa mga gumagawa ng masama, para burahin ang kanilang alala sa mundo.
17Ang mga matutuwid ay umiiyak, at naririnig ito ni Yahweh at mula sa lahat ng kanilang mga kaguluhan, nililigtas sila.
18Si Yahweh ay malapit sa mga wasak ang puso, at inililigtas niya ang mga nadurog ang espiritu.
19Maraming mga problema ang mga matutuwid, pero sa lahat ng iyon si Yahweh ang nagbibigay ng tagumpay.
20Iniingatan niya ang lahat ng kaniyang mga buto; ni isa sa kanila ay walang masisira.

Read Mga Awit 34Mga Awit 34
Compare Mga Awit 34:4-20Mga Awit 34:4-20