49Sapagkat siya na makapangyarihan ay gumawa ng mga kahanga-hangang bagay para sa akin, at ang kaniyang pangalan ay banal.
50Ang kaniyang habag ay walang katapusan mula sa lahat ng salinlahi para sa mga nagpaparangal sa kaniya.
51Nagpakita siya ng lakas ng kaniyang mga bisig; ikinalat niya ang mga nagmamataas ng nilalaman ng kanilang mga puso.
52Pinabagsak niya ang mga prinsipe mula sa kanilang mga trono at itinaas niya ang mga may mababang kalagayan.
53Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom, ngunit ang mga mayayaman ay pinaalis niyang gutom.
54Nagkaloob siya ng tulong sa Israel na kaniyang lingkod, na gaya ng pag-alaala niya sa kaniyang pagpapakita ng habag
55(na sinabi niya sa ating mga ama) kay Abraham at sa kaniyang kaapu-apuhan magpakailanman.”
56Nanatili si Maria kina Elisabet sa loob ng mga tatlong buwan at pagkatapos ay bumalik siya sa kaniyang bahay.
57Ngayon ay dumating ang panahon ng panganganak ni Elisabet at nagsilang siya ng isang lalaki.
58Narinig ng kaniyang mga kapitbahay at mga kamag-anak na ang Panginoon ay nagpakita ng dakilang habag para sa kaniya, at sila ay nagalak kasama niya.
59Ngayon ay nangyari sa ikawalong araw na tuliin nila ang sanggol. Tatawagin sana nila siyang “Zacarias” mula sa pangalan ng kaniyang ama,
60ngunit sumagot ang kaniyang ina at sinabi, “Hindi; siya ay tatawaging Juan.”
61Sinabi nila sa kaniya, “Wala pa ni isa sa iyong angkan ang tinawag sa ganyang pangalan.”
62Sumenyas sila sa kaniyang ama kung ano ang gusto niyang ipangalan sa kaniya.
63Humingi ang kaniyang ama ng isang sulatan at nagsulat siya, “Ang kaniyang pangalan ay Juan.” Silang lahat ay namangha dito.
64Agad nabuksan ang kaniyang bibig at napalaya ang kaniyang dila. Nagsalita at nagpuri sa Diyos.
65Natakot ang lahat ng nakatira malapit sa kanila. Lahat ng mga bagay na ito ay kumalat sa lahat ng bahagi ng maburol na lupain ng Judea.
66At ito ay itinago ng lahat ng nakarinig sa kanilang mga puso, na nagsasabi, “Ano kaya ang magiging kapalaran ng batang ito?” Sapagkat ang kamay ng Panginoon ay nasa kaniya.
67Ang kaniyang amang si Zacarias ay napuspos ng Banal na Espiritu at nagpahayag na nagsasabi,
68“Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, sapagkat tumulong siya at tinubos ang kaniyang mga tao.
69Itinaas niya ang isang sungay ng kaligtasan para sa atin sa bahay ng kaniyang lingkod na si David, mula sa kaapu-apuhan ng kaniyang lingkod na si David,
70tulad ng sinabi niya sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta noong sinaunang panahon.
71Magdadala siya ng kaligtasan mula sa ating mga kaaway at mula sa kamay ng lahat ng mga galit sa atin.
72Gagawin niya ito upang ipakita ang habag sa ating mga ama at upang alalahanin ang kaniyang banal na kasunduan,