Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 12

JUAN 12:9-32

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
9Ngayon, napag-alaman ng maraming mga Judiio na naroon si Jesus, at sila ay dumating, hindi lamang dahil kay Jesus, ngunit nagbabakasakali rin silang makita si Lazaro na binuhay ni Jesus mula sa mga patay.
10Ang mga punong pari ay nagsabwatan upang patayin na rin si Lazaro,
11dahil siya ang dahilan kung bakit maraming mga Judio ang nagsi-alis at sumampalataya kay Jesus.
12Nang sumunod na araw, napakaraming tao ang dumating para sa kapistahan. Nang kanilang marinig na si Jesus ay darating sa Jerusalem,
13kumuha sila ng mga sanga sa mga puno ng palma, at lumabas upang salubungin siya at sumigaw: “Osana! Pinagpala siya na pumaparito sa pangalan ng Panginoon, ang Hari ng Israel!”
14Nakita ni Jesus ang isang asno, at umupo siya rito, gaya ng nasusulat,
15“Huwag kang matakot, mga anak na babae ng Sion, tingnan, ang inyong Hari ay dumarating, nakaupo sa isang batang asno.”
16Hindi naunawaan ng kaniyang mga alagad ang mga ito sa simula, ngunit nang maluwalhati na si Jesus, naalala nila na ang mga bagay na ito ay nasulat patungkol sa kaniya at na ginawa nila sa kaniya ang mga bagay na ito ay.
17Ngayon ang maraming mga tao na nakasama ni Jesus ng tawagin niya si Lazarus palabas sa libingan at binuhay mula sa mga patay, ay nagpatotoo sa iba.
18Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga tao ay lumabas upang salubungin siya, dahil narinig nilang ginawa niya ang tandang ito.
19Kaya nagsabi ang mga Pariseo sa isa't isa: Tingnan ninyo, wala kayong magagawa; tingnan ninyo, ang sanlibutan ay sumusunod sa kaniya.”
20Ngayon, may ilang mga Griyego na kasama nilang umakyat upang sumamba sa kapistahan.
21Lumapit sila kay Felipe na mula sa Bethsaida ng Galilea, at tinanong siya na nagsasabi, “Ginoo, nais naming makita si Jesus.”
22Pumunta si Felipe at sinabi kay Andres; si Andres ay pumunta kasama si Felipe, at sinabi nila kay Jesus.
23Sinagot sila ni Jesus at sinabi, “Ang oras ay dumating na upang ang Anak ng Tao ay luwalhatiin.
24Tunay nga na sinasabi ko sa inyo, maliban na ang butil ng trigo ay mahulog sa lupa at mamatay, ito ay nanatili sa kaniyang sarili na mag-isa, ngunit kung ito ay mamatay, magbubunga ito ng napakarami.
25Ang nagmamahal sa kaniyang buhay ay mawawalan nito, subali't ang namumuhi sa kaniyang buhay sa mundong ito ay mapapanatili ito para sa walang hanggang buhay.
26Kung sinuman ang maglingkod sa akin, sumunod siya sa akin, at kung saan ako naroroon, ang aking lingkod ay naroon din. Kung sinuman ang maglingkod sa akin, pararangalan siya ng Ama.
27Ang aking kaluluwa ay nababagabag ngayon, “Ano ang aking sasabihin? 'Ama, iligtas mo ako sa oras na ito'? Subalit dahil dito, naparito ako sa oras na ito.
28Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan.” Pagkatapos isang tinig ang nagmula sa langit, at nagsabi, “Niluwalhati ko na at muli ko rin itong luluwalhatiin”
29Pagkatapos ang maraming mga tao na nakatayo sa malapit at nakarinig nito ay nagsabi na kumulog. Sinabi ng iba, “Isang anghel ang nagsalita sa kaniya.”
30Sumagot si Jesus at nagsabi, “Ang tinig na ito ay hindi dumating alang-alang sa akin, kundi para sa inyong kapakanan.
31Ngayon na ang paghuhukom nitong mundo. Ngayon itataboy ang prinsipe ng mundong ito.
32At ako, kung ako ay maitaas mula sa lupa, aking ilalapit ang mga tao sa aking sarili.

Read JUAN 12JUAN 12
Compare JUAN 12:9-32JUAN 12:9-32