Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Joshua - Joshua 7

Joshua 7:1-6

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Pero kumilos ng hindi tapat ang bayan ng Israel tungkol sa mga bagay na inilaan para sa pagkawasak. Si Acan na anak na lalaki ni Carmi na anak na lalaki ni Zimri na anak na lalaki ni Zera, mula sa lipi ni Juda, ay kumuha ng ilang bagay na inilaan para sa pagkawasak, at sumiklab ang galit ni Yahweh laban sa bayan ng Israel.
2Nagpadala ng mga kalalakihan si Josue mula sa Jerico sa Ai, malapit sa Beth Aven, silangan ng Bethel. Sinabi niya sa kanila, “Umakyat kayo at manmanan ang lupain.” Kaya lumakad ang mga kalalakihan at minanman ang Ai.
3Nang bumalik sila kay Josue, sinabi nila sa kaniya, “Huwag mong ipadala ang lahat ng tao sa Ai. Magpadala ka lamang ng dalawa o tatlong libong kalalakihan para pumunta at lusubin ang Ai. Huwag mong ipadala ang lahat ng tao sa labanan, dahil kakaunti lamang sila sa bilang.”
4Kaya mahigit tatlong libong kalalakihan lamang ang pumunta mula sa hukbo, pero tumakas ang mga ito mula sa mga kalalakihan ng Ai.
5Nakapatay ng mahigit tatlumpu't-anim na kalalakihan ang mga kalalakihan ng Ai habang tinugis nila sila mula sa tarangkahan ng lungsod hanggang sa tibagang bato, at pinatay nila sila habang bumababa sila sa isang burol. At natakot ang mga puso ng mga tao at iniwan sila ng kanilang tapang.
6Pagkatapos pinunit ni Josue ang kaniyang mga kasuotan. Siya at mga nakatatanda ng Israel ay naglagay ng alikabok sa kanilang ulo at iniyuko ang mukha sa lupa sa harapan ng kaban ni Yahweh, nanatili sila roon hanggang gabi.

Read Joshua 7Joshua 7
Compare Joshua 7:1-6Joshua 7:1-6