Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Joshua - Joshua 24

Joshua 24:13-27

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
13Binigyan ko kayo ng lupain na hindi ninyo pinagtrabahuhan at mga lungsod na hindi ninyo itinayo, at ngayon kayo ay naninirahan sa mga ito. Kinakain ninyo ang mga bunga ng mga ubasan at mga halamanang olibo na hindi ninyo itinanim.'
14Ngayon ang pagkatakot kay Yahweh at sambahin siya ng boung karangalan at katapatan; alisin ang mga diyos na sinamba ng inyong mga ninuno sa dako ng Eufrates at sa Ehipto, at sambahin si Yahweh.
15Kung tila mali ito sa inyong mga paningin para sambahin ninyo si Yahweh, kayo na mismo ang pumili ngayong araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran, kung ang mga diyos na sinamba ng inyong mga ninuno sa ibayo ng Eufrates o ang mga diyos ng mga Amoreo, kung saang lupain kayo naninirahan. Pero para sa akin at sa aking sambahayan, sasambahin namin si Yahweh.”
16Sumagot ang bayan at sinabi, “Hindi namin kailanman pababayaan si Yahweh para maglingkod sa ibang mga diyos,
17dahil si Yahweh na aming Diyos ang naglabas sa amin at sa aming mga ninuno mula sa lupain ng Ehipto, mula sa pagkaalipin, at siyang gumawa ng mga dakilang palatandaan sa aming paningin, at siyang nagpanatili sa amin sa lahat ng mga daan na aming pupuntahan, at kasama ng lahat ng mga bansa na aming dinaanan.
18At pinaalis ni Yahweh sa harap namin ang lahat ng mga mamamayan, ang mga Amoreo na nanirahan sa lupaing ito. Sa gayon sasambahin rin namin si Yahweh, dahil siya ang aming Diyos.”
19Pero sinabi ni Josue sa bayan, “Hindi ninyo maaaring paglingkuran si Yahweh, dahil siya ay isang banal na Diyos; siya ay isang selosong Diyos; hindi niya papatawarin ang inyong mga paglabag at mga kasalanan.
20Kung iiwan ninyo si Yahweh at sasamba sa mga dayuhang diyos, sa gayon siya ay tatalikod at pipinsalain kayo. Tutupukin niya kayo, pagkatapos niyang makagawa ng mabuti sa inyo.”
21Pero sinabi ng bayan kay Josue, “Hindi, sasambahin namin si Yahweh.”
22Pagkatapos sinabi ni Josue sa bayan, “Kayo ang mga saksi laban sa inyong mga sarili na kayo mismo ang pumili kay Yahweh, para sambahin siya.” Sinabi nila, “Kami ay mga saksi.”
23Ngayon itapon ninyo ang mga dayuhang diyos na nasa inyo, at ibaling ang inyong puso kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.”
24Sinabi ng bayan kay Josue, “Sasambahin namin si Yahweh na aming Diyos. Makikinig kami sa kaniyang tinig.”
25Gumawa si Josue ng isang tipan sa bayan sa araw na iyon. Inilagay niya sa lugar ang mga kautusan at mga batas sa Sechem.
26Sinulat ni Josue ang mga salitang ito sa Ang Aklat ng Batas ng Diyos. Kumuha siya ng isang malaking bato at inilagay ito doon sa ilalim ng punong ensena sa tabi ng santuwaryo ni Yahweh.
27Sinabi ni Josue sa lahat ng mga tao, “Tingnan mo, ang batong ito ay magiging isang patotoo laban sa amin. Narinig nito ang lahat ng mga salita na sinabi ni Yahweh sa amin. Kaya ito ay magiging isang saksi laban sa inyo, kung ninyo ipagkakaila ang inyong Diyos.”

Read Joshua 24Joshua 24
Compare Joshua 24:13-27Joshua 24:13-27