Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - 2 Mga Hari - 2 Mga Hari 15

2 Mga Hari 15:8-36

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
8Sa ika tatlumpu't walong taon ni Uzzias hari ng Juda, si Zacarias anak ni Jeroboam ang naghari ng Israel sa Samaria sa loob ng anim na buwan.
9Ginawa niya ang masama sa harapan ni Yahweh, gaya ng ginawa ng kaniyang ama. Hindi niya nilisan ang mga kasalanan ni Jeroboam anak ni Nebat, na siyang naging dahilan para magkasala ang Israel.
10Naghimagsik si Sallum anak ni Jabes laban kay Zacarias, nilusob siya sa harap ng mga tao at pinaslang siya. Pagkatapos siya ang pumalit na hari kapalit niya.
11Sa iba pang mga bagay tungkol kay Zacarias, ang mga ito ay nakasulat sa Aklat ng Mga Kaganapan ng mga Buhay ng Hari ng Israel.
12Ito ang mga salita ni Yahweh na sinabi niya kay Jehu, sinasabing, ''Ang iyong kaapu-apuhan ay mauupo sa trono ng Israel hanggang sa ika-apat na salin lahi.'' At kaya ito ang naganap.
13Nagsimulang maghari si Sallum anak ni Jabes sa ika-tatlumpu't siyam na taon ni Uzzias hari ng Juda, at siya naghari sa loob lamang ng isang buwan sa Samaria.
14Mula sa Tirza si Menahem anak ni Gadi ay nagtungo sa Samaria. Doon nilusob niya si Sallum anak ni Jabes, sa Samaria. Pinatay niya siya at naging hari kapalit niya.
15Sa iba pang mga bagay tungkol kay Sallum at ang paghihimagsik na kaniyang ginawa, nakasulat ang mga ito sa Aklat ng Mga Kaganapan ng mga Buhay ng Hari ng Israel.
16Pagkatapos nilusob ni Menahem si Tipsa at lahat ng naroon, at ang mga hangganang palibot ng Tirza, dahil hindi nila ibinukas ang lungsod sa kaniya. Kaya nilusob niya ito, at nilaslas niya ang tiyan ng mga babaeng buntis sa nayon na iyon.
17Sa ika-tatlumpu't siyam na taon ni Uzzias hari ng Juda nagsimulang maghari si Menahem anak ni Gadi sa Israel; siya ay naghari ng sampung taon sa Samaria.
18Ginawa niya ang masama sa harapan ni Yahweh. Kaya sa buong buhay niya, hindi niya nilisan ang mga kasalan ni Jeroboam anak ni Nebat, na siyang nagdulot sa Israel na magkasala.
19Pagkatapos si Pul ang hari ng Asiria ay dumating laban sa lupain at nagbigay si Menahem kay Pul ng isang libong talentong pilak, para siya ay tulungan ni Pul na palakasin ang kaharian ng Israel sa kaniyang pangunguna.
20Siningil ni Menahem ang halagang ito mula sa Israel sa pag-uutos sa bawat mayayaman na magbayad ng limampung sekel ng pilak sa kaniya para ibigay sa hari ng Asiria. Kaya ang hari ng Asiria ay umuwi at hindi namalagi roon sa lupain.
21Sa iba pang mga bagay tungkol kay Menahem, at ang lahat ng ginawa niya, hindi ba sila ay nakasulat sa Aklat ng Mga Kaganapan ng mga Buhay ng Hari ng Israel?
22Kaya nahimlay si Menahen kasama ng kaniyang mga ninuno, at si Pekakias kaniyang anak ay naging hari kapalit niya.
23Sa ika-limampung taon ni Uzzias hari ng Juda, si Pekakias anak ni Menahem ay nagsimulang maghari sa Israel sa Samaria; dalawang taon siyang naghari.
24Ginawa niya ang masama sa harapan ni Yahweh. Hindi niya iniwan ang mga kasalanan ni Jeroboam anak ni Nebat, na siyang nagdulot sa Israel na magkasala.
25Si Peka anak ni Remalias, isang kapitan na naglilingkod kay Pekakias, ay nakipagsabwatan kina Argob at Aries laban sa kaniya at pinaslang siya sa tanggulan ng palasyo ng hari sa Samaria. Kasama niya ang limampung kalalakihang taga-Galaad. Pinatay niya siya at naging hari kapalit niya.
26Sa iba pang mga bagay tungkol kay Pekakias, lahat ng ginawa niya, ang mga ito ay nakasulat sa Aklat ng Mga Kaganapan ng mga Buhay ng Hari ng Israel.
27Sa ika-limapu't dalawang taon ni Uzzias hari ng Juda, si Peka anak ni Remalias ay nagsimulang maghari sa Isarel sa Samaria; dalawampung taon siya naghari.
28Ginawa niya ang masama sa harapan ni Yahweh. Hindi niya nilisan ang mga kasalanan ni Jeroboam anak ni Nebat, na siyang nagdulot na magkasala ang Israel.
29Sa mga panahon na si Peka ay hari ng Israel, si Tiglat Pileser hari ng Asiria ay dumating at sinakop ang Ijon, Abelbetmaaca, Janoas, Kades, Hazor, Galaad, Galilee, at lahat ng lupain ng Naftali. Tinangay niya ang mga mamamayan sa Asiria.
30Kaya si Hosea anak ni Ela ay nagbuo ng isang sabwatan laban kay Peka anak ni Remalias. Nilusob niya at pinatay siya. Pagkatapos siya ay naghari kapalit niya, sa ika-dalawampung taon ni Jotam anak ni Uzzias.
31Sa iba pang mga bagay tungkol kay Peka, lahat ng ginawa niya, ang mga ito ay nakasulat sa Aklat ng Mga Kaganapan ng mga Buhay ng Hari ng Israel.
32Sa ikalawang taon ni Peka anak ni Remalias, hari ng israel, nagsimulang maghari si Jotam anak ni Uzzias, hari ng Juda.
33Dalawampu't limang taon gulang siya nang magsimula siyang maghari; labing anim na taon siyang naghari sa Jerusalem. Jerusa ang pangalan ng kaniyang ina; siya ay anak ni Zadok.
34Matuwid ang ginawa ni Jotam sa paningin ni Yahweh. Sinunod niya ang halimbawang ginawa ng kaniyang amang si Uzzias.
35Subalit, ang mga dambana ay hindi inalis. Nag-aalay pa rin at nagsusunog ng insenso ang mga tao sa mga dambana. Ipinagawa ni Jotam ang tarangkahan sa gawing itaas ng tahanan ni Yahweh.
36Sa iba pang mga bagay tungkol kay Jotam, lahat ng kaniyang ginawa, hindi ba ang mga ito ay nakasulat sa Aklat ng Mga Kaganapan ng mga Buhay ng Hari ng Juda?

Read 2 Mga Hari 152 Mga Hari 15
Compare 2 Mga Hari 15:8-362 Mga Hari 15:8-36