Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - 1 Mga Hari - 1 Mga Hari 6

1 Mga Hari 6:1-19

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Kaya inumpisahan itayo ni Solomon ang templo ni Yahweh. Ito ay nangyari sa ika-480 taon pagkatapos lumabas ng lupain ng Ehipto ang bayan ng Israel, sa ika-apat na taon ng paghahari ni Solomon sa buong Israel, sa buwan ng Ziv, na ikalawang buwan.
2Ang templo na itinayo ni Haring Solomon para kay Yahweh ay may animnapung kubit na haba, dalawampung kubit na lawak, at tatlumpong kubit na taas.
3Ang portiko sa harapan ng pangunahing bulwagan ng templo ay dalawampung kubit ang haba, kasing lapad ng templo, at sampung kubit na lalim sa harapan ng templo.
4Para sa bahay gumawa siya ng bintana na may balangkas na mas makitid sa labas kaysa sa loob.
5Sa gilid ng mga pader ng pangunahing silid siya ay nagtayo ng mga silid sa paligid nito, sa paligid ng parehong panlabas na silid at panloob na silid. Siya ay nagtayo ng mga silid sa paligid ng lahat ng panig.
6Ang pinakamababang palapag ay limang kubit ang lawak, ang gitna ay anim na kubit ang lawak, at ang ikatlo ay pitong kubit ang lawak. Para sa labas gumawa siya ng ungos sa mga pader ng templo sa lahat ng paligid para ang mga biga ay hindi maaring maisingit sa mga pader ng templo.
7Ang templo ay itinayo ng mga batong inihanda sa tibagan; walang martilyo, palakol, o anumang kagamitan gawa sa bakal ang narinig sa templo habang ito ay itinatayo.
8Sa timog na bahagi ng templo ay may pasukan sa ibabang palapag, at maaaring aakyat sa hagdan patungo sa gitnang palapag, at mula sa gitna patungo sa ikatlong palapag.
9Kaya itinayo ni Solomon ang templo at tinapos ito; binubungan niya ang templo sa pamamagitan ng mga biga at mga makakapal na tablang sedar.
10Itinayo niya ang mga silid sa gilid salungat sa panloob na mga silid ng templo, bawat panig ay limang kubit ang taas, ito ay nakakabit sa templo sa pamamagitan ng bigang sedar.
11Ang salita ni Yahweh ay nakarating kay Solomon, nagsasabi”
12Tungkol dito sa templo na iyong itinatayo, kung ikaw ay lalakad ayon sa aking mga alituntunin at gagawa ng katarungan, pananatilihin ang lahat ng aking kautusan at sumunod sa mga ito, pagtitibayin ko ang aking pangako sa iyo na aking ginawa kay David na iyong ama.
13Ako ay mananahan sa bayan ng Israel at hindi ko sila tatalikdan.
14Kaya itinayo ni Solomon ang templo at tinapos ito.
15Pagkatapos itinayo niya ang mga panloob na pader ng templo sa pamamagitan ng mga tablang sedar. Mula sa sahig ng templo hanggang sa kisame, tinakpan niya ang mga ito sa loob sa pamamagitan ng kahoy, at tinakpan niya ang sahig ng templo sa pamamagitan ng mga tablang saypres.
16Nagtayo siya ng dalawampung kubit sa likuran ng templo sa pamamagitan ng tablang sedar mula sa sahig hanggang sa kisame. Itinayo niya ang silid na ito para maging panloob na silid, ang kabanal-banalang lugar.
17Ang pangunahing bulwagan, na banal na lugar na nasa harap ng kabanal-banalang lugar, ay apatnapung kubit ang haba.
18May sedar sa loob ng templo, inukit sa hugis ng mga gurd at mga nakabukang bulaklak. Lahat ay sedar sa loob. Walang makikitang gawa sa bato doon.
19Ihihanda ni Solomon ang panloob na silid sa loob ng templo para ilagay doon ang arko ng tipan ni Yahweh.

Read 1 Mga Hari 61 Mga Hari 6
Compare 1 Mga Hari 6:1-191 Mga Hari 6:1-19