12Nagtaka silang lahat at naguluhan; at sinabi nila sa isa't- isa, “Ano ang ibig sabihin nito?”
13Ngunit nangutya ang iba at sinabi, “Lasing na lasing sila ng bagong alak.”
14Ngunit tumayo si Pedro kasama ang labing isa, tinaasan niya ang kaniyang boses, at sinabi sa kanila, “Mga tao ng Judea at kayong lahat na naninirahan sa Jerusalem, dapat ninyo itong malaman; pakinggan ninyong mabuti ang aking sasabihin.
15Sapagkat ang mga taong ito ay hindi lasing gaya ng inyong inaakala, sapagkat pangatlong oras pa lamang nang araw.
16Ngunit ito ang sinabi sa pamamamagitan ni propeta Joel:
17'Mangyayari ito sa mga huling araw,' sinabi ng Diyos, 'Ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao. Magpapahayag ang inyong mga anak na lalaki at mga babae, makakakita ng mga pangitain ang inyong mga kabataang lalaki, at magkakaroon ng mga panaginip ang inyong mga matatandang lalaki.
18Gayundin sa aking mga lingkod at sa aking mga lingkod na babae ibubuhos ko ang aking Espiritu sa araw na iyon, at sila ay magpapahayag.
19Magpapakita ako ng mga kamangha-manghang bagay mula sa langit at mga tanda dito sa lupa, dugo, apoy, at singaw ng usok.
20Magiging madilim ang araw at magiging dugo ang buwan, bago dumating ang dakila at hindi pangkaraniwang araw ng Panginoon.
21Iyon ay ang pagkakaligtas ng bawat isa na tatawag sa pangalan ng Panginoon.'
22Mga taga-Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus ng Nazaret, ang lalaking pinatunayan ng Diyos sa inyo sa pamamagitan ng mga makapangyarihang gawa at mga kamangha- manghang bagay at mga palatandaang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya, sa inyong kalagitnaan, katulad ng inyong nalalaman-