8Nilagay mo ang mga kasalanan namin sa iyong harapan, ang aming mga nakatagong kasalanan sa liwanag ng iyong presensiya.
9Lumilipas ang aming buhay sa ilalim ng iyong poot; ang aming mga taon ay madaling lumilipas na tulad ng buntong-hininga.
10Ang aming mga taon ay pitumpu, walumpu kung kami ay malusog; pero kahit na ang aming pinakamainam na taon ay may suliranin at kapighatian. Oo, mabilis itong lumilipas, at tinatangay kami palayo.
11Sino ang nakakaalam ng tindi ng iyong galit; ang poot mo na katumbas sa takot na dinudulot nito?
12Kaya turuan mo kaming isaalang-alang ang aming buhay para mamuhay kami ng may karunungan.
13Bumalik ka, Yahweh! Gaano pa ba katagal? Maawa ka sa iyong mga lingkod.
14Bigyan mo kami sa umaga ng kasiyahan sa iyong katapatan sa tipan para magsaya kami at magalak sa lahat ng mga araw namin.