18Sadyang inilalagay mo sila sa madudulas na mga lugar; dinadala mo sila sa pagkawasak.
19Paano sila naging disyerto sa isang iglap! Sumapit sila sa kanilang wakas at natapos sa kahindik-hindik na takot.
20Katulad sila ng panaginip matapos magising; Panginoon, kapag ikaw ay tumindig, wala kang iisiping ganoong mga panaginip.
21Dahil nagdalamhati ang aking puso, at ako ay labis na nasugatan.
22Ako ay mangmang at kulang sa pananaw; ako ay katulad ng walang alam na hayop sa harapan mo.
23Gayumpaman, ako ay palaging kasama mo; hawak mo ang aking kanang kamay.
24Gagabayan mo ako ng iyong payo at pagkatapos tanggapin mo ako sa kaluwalhatian.
25Sino ang hahanapin ko sa langit bukod sa iyo? Walang sinuman na nasa daigdig ang aking ninanais kundi ikaw.
26Humina man ang aking katawan at ang aking puso, pero ang Diyos ang lakas ng aking puso magpakailanman.