13Sadyang walang kabuluhan na bantayan ko ang aking puso at hugasan ang aking mga kamay sa kawalang-kasalanan.
14Dahil buong araw akong pinahirapan at dinisiplina bawat umaga.
15Kung aking sinabi, “Sasabihin ko ang mga bagay na ito,” parang pinagtaksilan ko ang salinlahi ng inyong mga anak.
16Kahit na sinubukan kong unawain ang mga bagay na ito, napakahirap nito para sa akin.
17Pagkatapos pumasok ako sa santuwaryo ng Diyos at naunawaan ang kanilang kapalaran.
18Sadyang inilalagay mo sila sa madudulas na mga lugar; dinadala mo sila sa pagkawasak.
19Paano sila naging disyerto sa isang iglap! Sumapit sila sa kanilang wakas at natapos sa kahindik-hindik na takot.
20Katulad sila ng panaginip matapos magising; Panginoon, kapag ikaw ay tumindig, wala kang iisiping ganoong mga panaginip.
21Dahil nagdalamhati ang aking puso, at ako ay labis na nasugatan.
22Ako ay mangmang at kulang sa pananaw; ako ay katulad ng walang alam na hayop sa harapan mo.
23Gayumpaman, ako ay palaging kasama mo; hawak mo ang aking kanang kamay.
24Gagabayan mo ako ng iyong payo at pagkatapos tanggapin mo ako sa kaluwalhatian.