5Dahil ikaw ang aking pag-asa, Panginoong Yahweh. Nagtiwala ako sa iyo mula noong ako ay bata pa.
6Habang ako ay nasa sinapupunan, inalalayan mo ako; ikaw ang siyang kumuha sa akin palabas sa tiyan ng aking ina; ang aking papuri ay tungkol palagi sa iyo.
7Isa akong halimbawa sa maraming tao; ikaw ang aking matibay na kublihan.
8Ang aking bibig ay mapupuno ng iyong papuri, na may karangalan mo sa buong araw.
9Sa panahon ng aking pagtanda huwag mo akong itapon; huwag mo akong iwanan kapag ang aking lakas ay manghina.
10Dahil ang aking mga kaaway ay pinag-uusapan ako, silang mga nagmamasid sa aking buhay ay sama-samang nagbabalak.
11Sinasabi nila, “Pinabayaan siya ng Diyos” habulin at kunin siya, dahil wala ni isa ang magliligtas sa kaniya.”
12O Diyos, huwag kang lumayo sa akin; aking Diyos, magmadali ka sa pagtulong sa akin.
13Hayaan mo silang mapunta sa kahihiyan at masira, silang mga laban sa aking buhay; hayaan mo silang mapuno ng pagsaway at kasiraan, silang naghahangad na ako ay saktan.
14Pero lagi akong aasa sa iyo at pupurihin kita nang higit pa.
15Buong araw sasabihin ng aking bibig ang tungkol sa iyong katuwiran at iyong kaligtasan, bagamat hindi ko ito kayang unawain.