4Kaya pagpapalain kita habang ako ay nabubuhay; itataas ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan.
5Parang tulad ito ng pagkain ng utak sa buto at mga taba; sa aking mga labing nagagalak pupurihin ka ng aking bibig.
6Kapag naiisip ko ang tungkol sa iyo sa aking higaan at pinagninilay-nilayan kita sa mga oras ng gabi.
7Dahil ikaw ang aking tulong, at magagalak ako sa anino ng iyong mga pakpak.
8Kumakapit ako sa iyo; inaalalayan mo ako ng iyong kanang kamay.
9Pero mapupunta sa kailaliman ng bahagi ng mundo sila na naghahanap para wasakin ang buhay ko.
10Ibibigay sila sa ilalim ng kapangyarihan ng espada, at magiging pagkain sila para sa mga asong ligaw.
11Pero magagalak ang hari sa Diyos; ang lahat ng nanunumpa sa kaniya ay ipagmamalaki siya, pero ang bibig ng mga nagsasalita ng kasinungalingan ay mahihinto.