9Tunay na walang kabuluhan ang mga lalaking mahina ang katayuan, at kasinungalingan ang mga lalaking mataas ang katayuan; magaan silang tinimbang sa sukatan; pareho silang tinimbang, sila ay magaan kaysa sa wala.
10Huwag kang magtitiwala sa pang-aapi o pagnanakaw; at huwag umasa sa walang kabuluhan na mga kayamanan, dahil wala itong maibubunga; huwag mong itutuon ang iyong puso sa mga ito.
11Minsang nagsalita ang Diyos, dalawang beses kong narinig ang mga ito: sa Diyos nauukol ang kapangyarihan.