Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 50

Mga Awit 50:11-22

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
11Kilala ko ang lahat ng mga ibon sa mga bundok, at ang mga mababangis na hayop sa bukid ay sa akin.
12Kung ako ay nagugutom, hindi ko sa inyo sasabihin; dahil ang mundo ay sa akin, at ang lahat ng mga bagay dito, ay sa akin din.
13Kakainin ko ba ang laman ng mga toro o iinumin ang dugo ng mga kambing?
14Maghandog kayo sa Diyos ng alay ng pasasalamat, at tuparin ninyo ang inyong mga banal na panata sa Kataas-taasan.
15Tumawag kayo sa akin sa araw ng kaguluhan; sasagipin ko kayo, at ako ay inyong luluwalhatiin.”
16Pero sa mga makasalanan sinasabi ng Diyos, “Ano ang kinalaman mo sa pagpapahayag ng aking mga kautusan, at sinasambit mo ang aking tipan,
17gayong ang aking tagubilin ay inyong kinamumuhian at ang aking mga salita ay inyong itinatapon?
18Kapag nakakakita kayo ng isang magnanakaw, sumasang-ayon kayo sa kanya; nakikisali kayo sa mga nangangalunya.
19Nagsasabi kayo ng kasamaan, at naghahayag ang inyong dila ng kasinungalingan.
20Umuupo kayo at nagsasalita laban sa inyong kapatid; ang anak ng sarili ninyong ina ay inyong sinisiraang puri.
21Ginawa ninyo ang mga bagay na ito, pero nanatili akong tahimik, kaya inisip ninyo na isa lamang akong katulad ninyo. Pero susumbatan ko kayo at ipapakita ko ang lahat ng mga bagay na inyong ginawa.
22Ngayon isaalang-alang niyo ito, kayong nakakalimot sa Diyos; dahil kung hindi ay dudurugin ko kayo at walang sinumang darating para tulungan kayo:

Read Mga Awit 50Mga Awit 50
Compare Mga Awit 50:11-22Mga Awit 50:11-22