7Pakinggan mo, Yahweh, ang aking tinig kapag ako ay umiiyak! Maawa ka sa akin, at sagutin mo ako!
8Sinasabi ng aking puso tungkol sa iyo, “Hanapin ang kaniyang mukha!” Hahanapin ko ang iyong mukha, Yahweh!
9Huwag mong itago ang iyong mukha sa akin; huwag mong saktan ang iyong lingkod sa galit! Ikaw ang aking naging katuwang; huwag mo akong pabayaan o iwanan, Diyos ng aking kaligtasan!
10Kahit na pabayaan ako ng aking ama o ng aking ina, si Yahweh ang mag-aaruga sa akin.
11Ituro mo sa akin ang iyong daan, Yahweh! Pangunahan mo ako sa patag na landas dahil sa aking mga kaaway.
12Huwag mo akong ibigay sa mga hangarin ng aking mga kaaway, dahil ang mga sinungaling na saksi ay nagsitindig laban sa akin, at sila ay bumuga ng karahasan!
13Ano kaya ang nangyari sa akin kung hindi ako naniwala na makikita ko ang kabutihan ni Yahweh sa lupain ng mga buhay?