5Napopoot ako sa kapulungan ng mga gumagawa ng kasamaan, at hindi ako nakikipamuhay sa mga masasama.
6Hinuhugasan ko ang aking mga kamay sa kawalan ng kasalanan, at pumupunta ako sa paligid ng iyong altar, Yahweh,
7para umawit ng isang malakas na awitin ng papuri at ibalita ang lahat ng iyong mga kahanga-hangang mga gawa.
8Yahweh, mahal ko ang tahanan kung saan ka naninirahan, ang lugar na pinananahanan ng iyong kaluwalhatian.
9Huwag mo akong walisin kasama ng mga makasalanan, o ang aking buhay kasama ng mga taong hayok sa dugo,
10kung saan ang mga kamay ay may masamang balak, at sa kanang kamay ay puno ng mga suhol.