Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 25

Mga Awit 25:15-22

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
15Ang aking mga mata ay laging nakatuon kay Yahweh, dahil pakakawalan niya ang aking mga paa mula sa lambat.
16Bumaling ka sa akin at kaawaan mo ako; dahil ako ay nag-iisa at nahihirapan.
17Ang mga kaguluhan ng aking puso ay lumalawak; hanguin mo ako mula sa aking pagkabalisa.
18Masdan mo ang aking paghihirap at mga pasakit; patawarin mo lahat ng aking mga kasalanan.
19Masdan mo ang aking mga kaaway, dahil sila ay marami; kinamumuhian nila ako nang may malupit na pagkagalit.
20Pangalagaan mo ang aking buhay at sagipin mo ako; hindi ako mapapahiya, dahil nagkukubli ako sa iyo!
21Nawa ingatan ako ng dangal at pagkamakatwiran, dahil umaasa ako sa iyo.
22Sagipin mo ang Israel, O Diyos, sa lahat ng kaniyang mga kaguluhan!

Read Mga Awit 25Mga Awit 25
Compare Mga Awit 25:15-22Mga Awit 25:15-22