6Itinatag niya rin sila magpakailanman; nagbigay siya ng utos na hindi magbabago.
7Purihin si Yahweh mula sa mundo, kayong mga hayop sa lahat ng karagatan,
8apoy at yelo, nyebe at mga ulap, malakas na hangin, sa pagtupad ng kaniyang salita,
9mga bundok at mga burol, mga bungang-kahoy at lahat ng sedar,
10mga mabangis at maamong hayop, mga hayop na gumagapang at mga ibon,
11mga hari sa mundo at lahat ng bansa, mga prinsipe at lahat ng namamahala sa lupa,
12mga binata at dalaga, mga nakatatanda at mga bata.