Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 137

Mga Awit 137:2-9

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
2Sa mga puno ng alamo namin isinabit ang aming mga alpa.
3Doon ang aming mga manlulupig ay pinakanta kami, at silang mga nangutya sa amin ay inatasan kaming maging masaya, sinasabing, “Awitan niyo kami ng isa sa mga awit ng Sion.”
4Paano kami makakakanta ng isang awitin tungkol kay Yahweh sa isang dayuhang lupain?
5Jerusalem, kung aking babalewalain ang alaala mo, hayaan mo ang aking kanang kamay na makalimutan ang kaniyang kakayahan.
6Hayaan mo ang aking dila na kumapit sa aking ngalangala kung hindi na kita muling iisipin pa, kung hindi ko gugustuhin na ang Jerusalem ang maging aking pinakadakilang kasiyahan.
7Alalahanin mo, Yahweh, kung ano ang ginawa ng mga Edomita noong araw na bumagsak ang Jerusalem. Sinabi nila, “Wasakin ito, wasakin ito hanggang sa pundasyon nito.”
8Anak na babae ng Babilonia, na malapit na ang pagkawasak— nawa ang tao ay pagpalain, kung sinuman ang magbalik ng kabayaran sa kung ano ang iyong ginawa sa amin.
9Nawa ang taong iyon ay pagpalain, sinuman ang kumuha at nagpira-piraso ng inyong maliliit na anak sa bato.

Read Mga Awit 137Mga Awit 137
Compare Mga Awit 137:2-9Mga Awit 137:2-9