44Patuloy kong susundin ang iyong batas magpakailanpaman.
45Maglalakad ako nang ligtas, dahil hinahanap ko ang iyong mga tagubilin.
46Magsasalita ako tungkol sa mga banal mong utos sa harap ng mga hari at hindi mahihiya.
47Nasisiyahan ako sa iyong mga kautusan, na lubos kong minamahal.
48Itataas ko ang aking mga kamay sa iyong mga kautusan, na aking minamahal. Pag-iisipan kong mabuti ang iyong mga alituntunin. ZAYIN.
49Alalahanin mo ang mga ipinangako mo sa iyong lingkod dahil binigyan mo ako ng pag-asa.
50Ito ang kaaliwan ko sa aking paghihirap: na pinapanatili akong buhay ng pangako mo.