Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Lucas - Lucas 5

Lucas 5:10-28

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
10Kasama dito sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo, na mga kasama ni Simon. At sinabi ni Jesus kay Simon, “Huwag kang matakot, sapagkat mula ngayon, mangingisda ka na ng tao.”
11Nang madala nila sa dalampasigan ang kanilang mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod sa kaniya.
12At nangyari nga na habang siya ay nasa isa sa mga lungsod, isang taong puno ng ketong ang naroon. Nang makita niya si Jesus, siya ay nagpatirapa at nagmakaawa sa kaniya, na nagsabi, “Panginoon, kung iyong nanaisin, ako ay maaari mong linisin.”
13Pagkatapos, inabot ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya, na sinasabi, “Nais ko. Maging malinis ka.” At agad nawala ang kaniyang ketong.
14Siya ay pinagbilinan niya na huwag ipagsabi kahit kanino, sa halip, sinabi sa kaniya, “Pumunta ka sa iyong pupuntahan, at magpakita ka sa mga pari at mag-alay ka ng handog para sa iyong ikalilinis, batay sa mga kautusan ni Moises, bilang pagpapatotoo sa kanila.”
15Ngunit ang balita tungkol sa kaniya ay lalong kumalat, at maraming mga tao ang dumating upang pakinggan siyang magturo at upang mapagaling sa kanilang mga sakit.
16Ngunit siya ay madalas pumunta sa mga lugar na ilang at nanalangin.
17At nangyari nga sa isa sa mga araw na iyon na siya ay nagtuturo, at mayroong mga Pariseo at mga tagapagturo ng kautusan ang nakaupo roon na nagmula pa sa mga iba't-ibang lugar sa mga rehiyon ng Galilea at Judea, at mula rin sa lungsod ng Jerusalem. Ang kapangyarihan ng Panginoon ay nasa kaniya upang magpagaling.
18Ngayon ay may mga lalaking dumating, binubuhat ang isang paralitikong lalaki na nakalagay sa higaan, at sila ay naghanap ng paraan upang maipasok siya at mailagay sa harapan ni Jesus.
19Hindi sila makahanap ng paraan upang siya ay maipasok dahil sa dami ng tao, kaya sila ay umakyat sa bubungan ng bahay at ibinaba nila ang lalaking nasa higaan sa kalagitnaan ng mga tao, sa mismong harapan ni Jesus.
20Pagkakita niya sa kanilang pananampalataya, sinabi ni Jesus, “Lalaki, pinatawad ka na sa iyong mga kasalanan.”
21Ang mga eskriba at ang mga Pariseo ay nagsimulang magtanong tungkol dito, na sinasabi, “Sino itong nagsasalita ng kalapastanganan sa Diyos?” Sino ang nagpapatawad ng kasalanan, hindi ba't ang Diyos lamang?”
22Ngunit si Jesus, na nalalaman ang kanilang mga iniisip, sumagot at sinabi sa kanila, “Bakit ninyo ito inuusisa sa inyong mga puso?
23Alin ang mas madaling sabihin, 'Napatawad ka na ng iyong mga kasalanan' o ang sabihing 'Tumayo ka at maglakad?.'
24Ngunit upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihan sa mundo upang magpatawad ng mga kasalanan, sinasabi ko sa iyo, 'Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan at pumunta ka sa iyong bahay.'”
25Agad siyang tumayo sa kanilang harapan at binuhat ang kaniyang higaan; pagkatapos ay bumalik siya sa kaniyang bahay, na niluluwalhati ang Diyos.
26Ang lahat ay namangha at niluwalhati nila ang Diyos. Sila ay napuno ng takot na sinasabi, “Nakakita tayo ng mga hindi pangkaraniwang bagay sa araw na ito.”
27Pagkatapos mangyari ang mga bagay na ito, si Jesus ay umalis doon at nakita ang isang maniningil ng buwis na nagngangalang Levi, na nakaupo sa lugar kung saan siya nangongolekta ng buwis. Sinabi niya sa kaniya, “Sumunod ka sa akin.”
28Kaya't iniwan ni Levi ang lahat, tumayo, at sumunod sa kaniya.

Read Lucas 5Lucas 5
Compare Lucas 5:10-28Lucas 5:10-28