Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Lucas - Lucas 1

Lucas 1:1-13

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Marami ang sumubok na ayusin ang salaysay tungkol sa lahat ng bagay na naganap sa amin kalagitnaan,
2na gaya ng binigay nila sa amin, sila na sa simula pa ay naging saksi at mga lingkod ng mensahe.
3Sa akin din naman, nang nasiyasat ko nang mabuti ang lahat ng pangyayaring ito mula pa noong simula—sa tingin ko ay mabuti na isulat ko ang mga ito ayon sa kanilang pagkasunod-sunod—pinakatanyag na Teopilo.
4Nang sa gayon ay malaman mo ang katotohanan tungkol sa mga bagay na itinuro sa iyo.
5Sa mga araw ni Herodes, na hari ng Judea, may isang pari na nagngangalang Zacarias na nagmula sa pangkat ni Abias. Ang kaniyang asawa ay nagmula sa mga babaeng anak ni Aaron, at ang kaniyang pangalan ay Elisabet.
6Kapwa sila matuwid sa harapan ng Diyos; sila ay namuhay nang walang kapintasan sa lahat ng mga utos at alituntunin ng Panginoon.
7Ngunit wala silang anak, sapagkat si Elisabet ay baog, at silang dalawa ay matanda na sa panahong ito.
8Ngayon ay nangyari na si Zacarias ay nasa presensiya ng Diyos, gumagawa ng mga tungkulin bilang pari sa kapanahunan ng kaniyang pangkat.
9Ayon sa nakaugaliang paraan ng pagpili kung sinong pari ang maglilingkod, siya ay pinili sa pamamagitan ng sapalaran upang makapasok sa templo ng Panginoon at upang siya ay makapagsunog ng insenso.
10Napakaraming tao ang nananalangin sa labas sa oras ng pagsusunog ng insenso.
11Ngayon, isang anghel ng Panginoon ay nagpakita sa kaniya at tumayo sa kanang bahagi ng altar ng insenso.
12Si Zacarias ay nasindak nang makita niya ito, labis ang pagkatakot niya.
13Ngunit sinabi ng anghel sa kaniya “Huwag kang matakot Zacarias, sapagkat ang iyong panalangin ay pinakinggan. Ipagbubuntis ng asawa mong si Elisabet ang iyong anak na lalaki. Juan ang ipapangalan mo sa kaniya.

Read Lucas 1Lucas 1
Compare Lucas 1:1-13Lucas 1:1-13