Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Lucas - Lucas 15

Lucas 15:7-14

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
7Sinasabi ko sa inyo na gayon din, magkakaroon ng kagalakan sa langit sa isang makasalanang nagsisisi, higit pa sa siyamnapu't siyam na taong matuwid na hindi kailangang magsisi.
8O sinong babaing may sampung pilak na barya, kung mawalan siya ng isang barya, ang hindi magsisindi ng ilawan, magwawalis sa bahay, at masikap na maghahanap hanggang sa matagpuan niya ito?
9At kapag natagpuan niya ito, tinitipon niya ang kaniyang mga kaibigan at mga kapitbahay, sinasabi, 'Makisaya kayo sa akin, sapagkat natagpuan ko ang baryang nawala ko.'
10Gayon din, sinasabi ko sa inyo, may kagalakan sa kinaroroonan ng mga anghel ng Diyos sa isang makasalanang nagsisisi.
11Pagkatapos, sinabi ni Jesus, “May isang lalaking may dalawang lalaking anak,
12at sinabi ng nakababata sa kanila sa kaniyang ama, 'Ama, ibigay mo na sa akin ngayon ang ari-arian na nararapat na manahin ko.' Kaya hinati niya ang kaniyang kayamanan sa pagitan nila.
13Pagkaraan ng ilang mga araw, tinipon ng nakababatang anak ang lahat ng kaniyang pag-aari at pumunta sa isang malayong bansa, at doon ay winaldas niya ang kaniyang pera sa pagbili ng mga bagay na hindi niya kailangan, at pag-aaksaya ng kaniyang pera sa masamang pamumuhay.
14Ngayon, nang naubos na niya ang lahat, matinding taggutom ang lumaganap sa buong bansang iyon, at siya ay nagsimulang mangailangan.

Read Lucas 15Lucas 15
Compare Lucas 15:7-14Lucas 15:7-14