28Kaya ang isang pari na kanilang dinala mula sa Samaria ay dumating at namuhay sa Bethel; sila ay tinuruan niya kung paano nila dapat pararangalan si Yahweh.
29Ang bawat katutubo ay gumagawa ng kanilang sariling diyos, at nilalagay sila sa mga dambana na ginawa ng mga Samaritano - bawat katutubo sa mga lungsod kung saan sila naninirahan.
30Ginawa ng taga-Babilonia si Succot Benot; ginawa ng taga-Cut si Nergal; ginawa ng taga-Hamat si Asima;
31ginawa ng mga Awites si Nibhaz at Tartak; at sinunog ng mga Sefarvita ang kanilang mga anak kay Adrammelek at Anammelek, ang mga diyos ng mga Sefarvita.
32Pinarangalan din nila si Yahweh, at nagtalaga mula sa kanilang sarili ng mga pari sa mga matataas na lugar, na nag-aalay para sa kanila sa templo sa mga dambana.
33Pinarangalan nila si Yahweh at sumamba rin sa kanilang mga diyos, sa kaugalian ng mga bansa pinanggalingan nila.
34Sa mga araw na ito nanatili sila sa kanilang sinaunang kaugalian. Hindi nila pinararangalan si Yahweh, ni sundin nila ang mga bilin, atas, ang batas, o ang utos na ibinigay ni Yahweh sa bayan ni Jacob - na siyang pinangalanang Israel -