Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - 2 Mga Hari - 2 Mga Hari 13

2 Mga Hari 13:2-10

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
2Ginawa niya ang masama sa paningin ni Yahweh at sinundan niya ang mga kasalanan ni Jeroboam anak ni Nebat, na nagdulot sa Israel na magkasala; at hindi tumalikod si Jehoahas mula rito.
3Dahil dito, nagsiklab ang galit ni Yahweh laban sa Israel at paulit-ulit niya silang pinasakop kay Hazael hari ng Aram at Ben Hadad anak ni Hazael.
4Kaya nagsumamo si Jehoahas kay Yahweh, at pinakinggan siya ni Yahweh dahil nakita niya ang pang-aapi sa Israel, kung paano sila inaaapi ng hari ng Aram.
5Kaya binigyan ni Yahweh ang Israel ng isang tagapagligtas, at sila ay nakatakas sa ilalim ng kapangyarihan ng mga Aramean, at ang bayan ng Israel ay nagsimulang mamuhay sa kani-kanilang tahanan gaya ng dati.
6Gayunpaman, hindi nila tinalikuran ang mga kasalanan ni Jeroboam, na nagdulot sa Israel na magkasala, at nagpatuloy sila sa paggawa nito. At nanatili ang diyus-diyosang Asera sa Samaria.
7Nagtira ang mga Amarean kay Jehoahas ng limampung mangangabayo lamang, sampung karwahe, at sampung libong kawal, dahil winasak sila ng hari ng Aram at ginawang tulad ng ipa sa panahon ng anihan.
8Ang iba pang bagay tungkol kay Jehoahas, at ang lahat ng kaniyang ginawa at kaniyang kapangyarihan, hindi ba nasusulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel?
9Kaya nahimlay si Jehoahas kasama ng kaniyang mga ninuno, at siya ay inilibing nila sa Samaria. Si Joas na kaniyang anak ang naging hari kapalit niya.
10Sa ikatatlumpu't pitong taon ng paghahari ni Joas hari ng Juda, nagsimula ang paghahari ni Jehoas anak ni Jehoahas sa Samaria; naghari siya sa loob ng labing-anim na taon.

Read 2 Mga Hari 132 Mga Hari 13
Compare 2 Mga Hari 13:2-102 Mga Hari 13:2-10