17Bakal ang nagpapatalas sa bakal; gaya ng parehong paraan, ang isang tao ay nagpapatalas sa kaniyang kaibigan.
18Ang isa na siyang nag-aalaga ng puno ng igos ang siyang kakain ng bunga nito, at ang isa na siyang nag-iingat sa kaniyang panginoon ay pararangalan.
19Gayundin naman ang tubig na sumasalamin sa mukha ng isang tao, gayundin ang puso ng isang tao ay sinasalamin ang kaniyang pagkatao.
20Gayundin naman ang sheol at Abaddon na hindi kailanman nasisiyahan, kaya ang mga mata ng isang tao ay hindi nasisiyahan kailanman.
21Ang tunawan ng bakal ay para sa pilak at ang isang hurno ay para sa ginto, at nasusubok ang isang tao kapag siya ay pinuri.
22Kahit na durugin mo ang isang hangal ng pangbayo - -kasama ng butil — gayon pa man hindi siya iiwanan ng kaniyang kahangalan.
23Tiyakin na alam mo ang kalagayan ng iyong kawan at magmalasakit ka sa iyong mga kawan,
24dahil ang kayamanan ay hindi panghabang panahon. Ang isang korona ba ay nanatili sa lahat ng mga henerasyon?
25Ang damo ay nawawala at lumilitaw ang bagong tubo at tinipon ang pagkain ng baka sa kabundukan.
26Ang mga tupa ay magbibigay ng iyong kasuotan, at ang mga kambing ay magbibigay ng halaga para sa bukid.
27Magkakaroon ng gatas ng kambing para sa iyong pagkain—ang pagkain para sa iyong sambahayan—at pagkain para sa iyong mga aliping babae.