12Sinabi nila, “Kunin natin ang mga pastulan ng Diyos.”
13Aking Diyos, gawin mo silang tulad ng ipo-ipong alikabok, tulad ng ipa sa hangin,
14tulad ng apoy na sumusunog sa gubat, at tulad ng apoy na sumusunog sa kabundukan.
15Habulin mo sila ng iyong malakas na hangin, at sindakin sila ng iyong bagyo.
16Balutan mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan para hanapin nila ang iyong mukha, Yahweh.
17Nawa mailagay sila sa kahihiyan at masindak magpakailanman; nawa ay mamatay sila sa kahihiyan.
18At malalaman nila na ikaw lamang, Yahweh, ang Kataas-taasan sa buong mundo.