8Magkaroon nawa siya ng kapangyarihan mula mga dagat, at mula sa Ilog hanggang sa dulo ng mundo.
9Yumuko nawa sa harapan niya silang mga naninirahan sa ilang; dilaan nawa ng kaniyang mga kaaway ang alikabok.
10Magbigay nawa ng handog ang mga mga hari ng Tarsis at ng mga isla; mag-alay nawa ng mga handog ang mga hari ng Sheba at Seba.
11Tunay nga, magsiyuko nawa sa harapan niya ang lahat ng mga hari; maglingkod nawa sa kaniya ang lahat ng mga bansa.
12Dahil tinutulungan niya ang mga nangangailangan na tumatawag at mahihirap na walang ibang katulong.