Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 72

Mga Awit 72:2-10

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
2Hatulan niya nawa ang mga tao nang may katuwiran at ang mahihirap na may katarungan.
3Magbunga nawa ang mga kabundukan ng kapayapaan sa bayan; magbunga nawa ng katuwiran ang mga burol.
4Hatulan niya nawa ang mahihirap sa bayan; iligtas niya nawa ang mga anak ng nangangailangan at pira-pirasuhin ang mga mapang-api.
5Parangalan nila nawa ikaw habang nananatili ang araw, at hangga’t ang buwan ay nananatili sa lahat ng salinlahi.
6Bumaba siya nawa tulad ng ulan sa tuyong damo, tulad ng ambon na dinidiligan ang mundo.
7Umunlad nawa ang matuwid sa kaniyang mga araw at magkaroon nawa ng kasaganahan ng kapayapaan hanggang sa mawala ang buwan.
8Magkaroon nawa siya ng kapangyarihan mula mga dagat, at mula sa Ilog hanggang sa dulo ng mundo.
9Yumuko nawa sa harapan niya silang mga naninirahan sa ilang; dilaan nawa ng kaniyang mga kaaway ang alikabok.
10Magbigay nawa ng handog ang mga mga hari ng Tarsis at ng mga isla; mag-alay nawa ng mga handog ang mga hari ng Sheba at Seba.

Read Mga Awit 72Mga Awit 72
Compare Mga Awit 72:2-10Mga Awit 72:2-10