Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 71

Mga Awit 71:15-19

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
15Buong araw sasabihin ng aking bibig ang tungkol sa iyong katuwiran at iyong kaligtasan, bagamat hindi ko ito kayang unawain.
16Pupunta ako sa kanila kasama ang mga makapangyarihang gawa ng Panginoong Yahweh; Aking babanggitin ang iyong katuwiran, ang iyo lamang.
17O Diyos, tinuruan mo ako mula pa sa aking pagkabata; kahit ngayon ihinahayag ko ang iyong mga kahanga-hangang gawa.
18Tunay nga, kahit na matanda na ako at maputi na ang buhok, O Diyos, huwag mo akong pabayaan, dahil ihinahayag ko ang iyong kalakasan sa susunod na salinlahi, at iyong kapangyarihan para sa lahat ng darating.
19Maging ang iyong katuwiran, O Diyos, ay napakataas; ikaw na gumawa ng mga dakilang bagay, O Diyos, sino ang katulad mo?

Read Mga Awit 71Mga Awit 71
Compare Mga Awit 71:15-19Mga Awit 71:15-19