24Ibuhos mo ang iyong labis na galit sa kanila, hayaang mong abutan sila ng bagsik ng iyong galit.
25Hayaan mong ang kanilang lugar ay maging kapanglawan; hayaang mong walang sinuman ang manirahan sa kanilang mga tolda.
26Dahil inuusig nila ang siyang sinaktan mo; ibinalita nila sa iba ang hapdi ng mga sinugatan mo.
27Isakdal mo sila dahil sa paggawa ng sunod-sunod na kasalanan; huwag mo silang hayaang pumasok sa matuwid mong katagumpayan.
28Hayaan mo silang mabura sa aklat ng buhay at hindi maisulat kasama ng mga matutuwid.
29Pero ako ay naghihirap at nagdadalamhati; hayaan mo, O Diyos, na parangalan ako ng iyong kaligtasan.
30Pupurihin ko ang pangalan ng Diyos ng may awit at dadakilain siya ng may pasasalamat.
31Higit na kalulugdan ito ng Diyos kaysa sa isang baka o toro na may mga sungay at paa.
32Nakita ito ng mga mapagpakumbaba at natuwa; kayo na mga naghahanap sa Diyos, hayaan niyong mabuhay ang inyong mga puso.
33Dahil naririnig ni Yahweh ang mga nangangailangan at hindi hinahamak ang mga bilanggo.
34Purihin siya ng langit at lupa, ng mga dagat at lahat ng mga gumagalaw dito.