1Hayaang tumayo ang Diyos; hayaang kumalat ang kaniyang mga kaaway; hayaan ding magtakbuhan palayo ang mga napopoot sa kaniya.
2Kung paano itinaboy ang usok, gayundin ang pagtaboy mo sa kanila; kung paano natutunaw ang kandila sa harap ng apoy, hayaang maglaho ang mga masama sa presensiya ng Diyos.
3Pero hayaang matuwa ang mga matutuwid; hayaan silang magpakasaya sa harap ng Diyos; nawa ay magalak sila at maging masaya.
4Umawit sa Diyos, umawit ng mga papuri sa kaniyang pangalan; gumawa ng daan sa kapatagan para sa naglalakbay sa gitna ng lambak sa Ilog Jordan; Yahweh ang kaniyang pangalan; magalak kayo sa harap niya.