13Tupukin mo sila sa poot, tupukin mo sila para sila ay mawala na; hayaan mo silang malaman na namumuno ang Diyos kay Jacob at sa dulo ng mundo. Selah
14Sa gabi hayaan mo silang bumalik, hayaan mo silang umalulong na parang mga aso at lumibot sa lungsod.
15Maglalakbay sila pataas at pababa para sa pagkain at maghihintay buong gabi kung hindi sila masiyahan.
16Pero aawit ako tungkol sa iyong kalakasan; dahil ikaw ang naging matayog kong tore at isang kublihan sa araw ng aking kapighatian.
17Sa iyo, aking kalakasan, aawit ako ng mga papuri; dahil ang aking Diyos ang aking matayog na tore, ang Diyos ng katapatan sa tipan.