Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 55

Mga Awit 55:2-8

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
2Pakinggan mo ako at ako ay iyong sagutin; wala akong kapahingahan sa aking mga kaguluhan.
3dahil sa tinig ng aking mga kaaway, dahil sa pang-aapi ng masasama; dahil nagdala sila ng kaguluhan sa akin at galit akong inuusig.
4Lubhang nasaktan ang aking puso, at binagsakan ako ng malaking takot sa kamatayan.
5Dumating sa akin ang pagkatakot at panginginig, at kilabot ang nanaig sakin.
6Aking sinabi, “O, kung mayroon lamang akong mga pakpak tulad ng kalapati! Kung magkagayon lilipad akong palayo at magpapahinga.
7Tingnan, ako ay gagala sa malayo; doon ako mananahan sa ilang. Selah
8Magmamadali ako para sumilong mula sa malakas na hangin at unos''.

Read Mga Awit 55Mga Awit 55
Compare Mga Awit 55:2-8Mga Awit 55:2-8