Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 51

Mga Awit 51:1-5

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Kaawaan mo ako, Diyos, dahil sa iyong katapatan sa tipan; alang-alang sa iyong mga maawaing gawa, burahin mo ang aking mga kasalanan.
2Mula sa aking mabigat na pagkakasala ako ay hugasan mo nang lubusan at linisin ako mula sa aking kasalanan.
3Dahil alam ko ang aking mga paglabag, at laging naaalala ang aking kasalanan.
4Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala at sa iyong paningin ginawa kung ano ang napakasama; matuwid ka kapag nagsasalita; tama ka kapag humahatol.
5Masdan mo, ako ay isinilang sa malaking kasalanan; nang ipinagdadalang-tao ako ng aking ina, ako ay naroon na sa kasalanan.

Read Mga Awit 51Mga Awit 51
Compare Mga Awit 51:1-5Mga Awit 51:1-5