Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 50

Mga Awit 50:1-12

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Ang Tanging Makapangyarihan, ang Diyos, si Yahweh, ay nagsalita at tinawag ang daigdig mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.
2Mula sa Sion, ang kaganapan ng kagandahan, ang Diyos ay nagningning.
3Dumarating ang ating Diyos at hindi nananatiling tahimik; isang apoy ang lumalamon sa harapan niya, at bumabagyo nang napakalakas sa kanyang paligid.
4Nananawagan siya sa kalangitan at sa lupa para mahatulan niya ang kaniyang bayan:
5“Tipunin ang mga matatapat sa akin, ang mga nakipagtipan sa akin sa pamamagitan ng pag-aalay.”
6Ipahahayag ng kalangitan ang kaniyang katuwiran, dahil ang Diyos mismo ay hukom. Selah
7“Makinig, aking bayan, at ako ay magsasalita; ako ang Diyos, ang inyong Diyos.
8Hindi ko kayo susumbatan dahil sa inyong mga alay; ang sinunog ninyong mga handog ay laging nasa aking harapan.
9Wala akong kukuning toro mula sa inyong bahay, o lalaking mga kambing mula sa inyong mga kawan.
10Dahil ang bawat hayop sa kagubatan ay sa akin, at ang mga baka na nasa isang libong burol.
11Kilala ko ang lahat ng mga ibon sa mga bundok, at ang mga mababangis na hayop sa bukid ay sa akin.
12Kung ako ay nagugutom, hindi ko sa inyo sasabihin; dahil ang mundo ay sa akin, at ang lahat ng mga bagay dito, ay sa akin din.

Read Mga Awit 50Mga Awit 50
Compare Mga Awit 50:1-12Mga Awit 50:1-12