Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 48

Mga Awit 48:3-13

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
3Nagpakilala ang Diyos sa kaniyang mga palasyo bilang isang kublihan.
4Pero, tingnan niyo, ang mga hari ay pinulong ang kanilang mga sarili; sila ay dumaan nang magkakasama.
5Nakita nila ito, pagkatapos sila ay namangha, sila ay nasiraan ng loob at nagmamadaling lumayo.
6Pangangatog ang bumalot sa kanila doon, sakit gaya ng isang babaeng nanganganak.
7Sa pamamagitan ng hangin ng silangan sinira mo ang mga barko ng Tarsis.
8Gaya ng aming narinig, ay ganoon din ang aming nakita sa lungsod ni Yahweh ng mga hukbo, sa lungsod ng ating Diyos; itatatag ito ng Diyos magpakailanman. Selah
9Naalala namin ang tungkol sa iyong katapatan sa tipan, O Diyos, sa gitna ng iyong templo.
10Gaya ng iyong pangalan, O Diyos, gayundin ang papuri sa iyo hanggang sa mga dulo ng mundo; ang iyong kanang kamay ay puno ng katuwiran.
11Hayaan mong ang Bundok ng Sion ay matuwa, hayaan mong ang mga anak na babae ng Juda ay magsaya dahil sa iyong makatuwirang mga kautusan.
12Maglakad sa palibot ng Bundok Sion, umikot ka sa kaniya; bilangin mo ang kaniyang mga tore,
13masdan mong mabuti ang kaniyang mga pader, at tingnan ang kaniyang mga palasyo nang sa gayon masabi mo ito sa susunod na salinlahi.

Read Mga Awit 48Mga Awit 48
Compare Mga Awit 48:3-13Mga Awit 48:3-13