Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 48:3-13 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 48:3-13 in Ang Dating Biblia (1905)

3 Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari, na pinakakanlungan.
4 Sapagka't narito, ang mga hari ay nagpupulong, sila'y nagsidaang magkakasama.
5 Kanilang nakita, nagsipanggilalas nga sila; sila'y nanganglupaypay, sila'y nangagmadaling tumakas.
6 Panginginig ay humawak sa kanila roon; sakit, gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.
7 Sa pamamagitan ng hanging silanganan iyong binabasag ang mga sasakyan sa Tharsis.
8 Kung ano ang aming narinig, ay gayon ang aming nakita sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo, sa bayan ng aming Dios: itatatag ito ng Dios magpakailan man. (Selah)
9 Aming inaalaala ang iyong kagandahang-loob, Oh Dios, sa gitna ng iyong templo.
10 Kung ano ang iyong pangalan, Oh Dios, gayon ang pagpuri sa iyo hanggang sa mga wakas ng lupa; ang iyong kanan ay puspos ng katuwiran.
11 Matuwa ka bundok ng Sion, magalak ang mga anak na babae ng Juda, dahil sa iyong mga kahatulan.
12 Libutin ninyo ang Sion, at inyong ligirin siya: inyong saysayin ang mga moog niyaon.
13 Tandaan ninyong mabuti ang kaniyang mga kuta, inyong masdan ang kaniyang mga bahay-hari; upang inyong maisaysay ito sa susunod na lahi.
Mga Awit 48 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 48:3-13 in Banal na Bibliya

3 Nagpakilala ang Diyos sa kaniyang mga palasyo bilang isang kublihan.
4 Pero, tingnan niyo, ang mga hari ay pinulong ang kanilang mga sarili; sila ay dumaan nang magkakasama.
5 Nakita nila ito, pagkatapos sila ay namangha, sila ay nasiraan ng loob at nagmamadaling lumayo.
6 Pangangatog ang bumalot sa kanila doon, sakit gaya ng isang babaeng nanganganak.
7 Sa pamamagitan ng hangin ng silangan sinira mo ang mga barko ng Tarsis.
8 Gaya ng aming narinig, ay ganoon din ang aming nakita sa lungsod ni Yahweh ng mga hukbo, sa lungsod ng ating Diyos; itatatag ito ng Diyos magpakailanman. Selah
9 Naalala namin ang tungkol sa iyong katapatan sa tipan, O Diyos, sa gitna ng iyong templo.
10 Gaya ng iyong pangalan, O Diyos, gayundin ang papuri sa iyo hanggang sa mga dulo ng mundo; ang iyong kanang kamay ay puno ng katuwiran.
11 Hayaan mong ang Bundok ng Sion ay matuwa, hayaan mong ang mga anak na babae ng Juda ay magsaya dahil sa iyong makatuwirang mga kautusan.
12 Maglakad sa palibot ng Bundok Sion, umikot ka sa kaniya; bilangin mo ang kaniyang mga tore,
13 masdan mong mabuti ang kaniyang mga pader, at tingnan ang kaniyang mga palasyo nang sa gayon masabi mo ito sa susunod na salinlahi.
Mga Awit 48 in Banal na Bibliya