14Ginagawa mo kaming isang panlalait sa kalagitnaan ng mga bansa, isang pag-iiling sa kalagitnaan ng mga tao.
15Buong araw nasa harapan ko ang aking kasiraan, at nabalot ng kahihiyan ang aking mukha
16dahil sa tinig niyang nanlalait at nanghahamak, dahil sa kaaway at naghihiganti.
17Lahat ng ito ay dumating sa amin, pero hindi ka namin kinalimutan o pinakitunguhan ng mali ang iyong tipan.
18Hindi tumalikod ang aming mga puso; hindi lumayo ang aming mga hakbang mula sa iyong daan.