3Ang mga luha ko ang naging pagkain ko araw at gabi, habang ang mga kaaway ko ay laging nagsasabi sa akin, “Nasaan ang Diyos mo?”
4Inaalala ko ang mga bagay na ito habang binubuhos ko ang aking kaluluwa: kung paano ako pumunta kasama ang napakaraming tao at pangunahan sila patungo sa tahanan ng Diyos na may tinig ng kagalakan at pagpupuri, ang napakaraming tao na nagdiriwang ng kapistahan.
5Bakit ka yumuyukod, aking kaluluwa, at bakit ka nababalisa sa aking kalooban? Umasa ka sa Diyos, dahil pupurihin ko siya sa tulong ng kaniyang presensiya.
6Diyos ko, ang aking kaluluwa ay yumuyukod sa aking kalooban, kaya inaalala kita mula sa lupain ng Jordan, mula sa tatlong tuktok ng Bundok ng Hermon, at mula sa burol ng Mizar.