Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 38

Mga Awit 38:1-7

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Yahweh, huwag mo akong sawayin sa iyong galit at huwag akong parusahan sa iyong poot.
2Dahil tumatagos sa akin ang iyong mga palaso at ibinabagsak ako ng iyong kamay.
3May karamdaman ang aking buong katawan dahil sa iyong galit; walang kalakasan ang aking mga buto dahil sa aking kasalanan.
4Dahil nilunod ako ng aking mga kasalanan; napakabigat ng pasanin na ito para sa akin.
5Lumala at nangamoy ang aking mga sugat dahil sa mga hangal kong kasalanan.
6Tinatapakan ako at pinahihiya araw-araw; buong araw akong nagluluksa.
7Dahil dinaig ako ng kahihiyan, may karamdaman ang aking buong katawan.

Read Mga Awit 38Mga Awit 38
Compare Mga Awit 38:1-7Mga Awit 38:1-7